top of page

VHONG NAVARRO LIMANG TAON ANG HININTAY BAGO NAKAMIT ANG HUSTISYA

  • BY RICO MIRANDA
  • Aug 11, 2018
  • 1 min read

Limang taon din ang isinakripisyo at pakikipaglaban ng komedyanteng si Vhong Navarro sa kasong isinampa ng actor sa mga taong yumurak sa kanyang pagkatao na naganap noong 2014 sa kasong grave coercion kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez. Nakamit ng komedyante ang hustisya nang lumabas ang disiyon sa Trial Court Metroplitan sa Tanguig noong July 27. Napan ng “Guilty” ang tatlong akusado. Kaya masaya si Vhong sa naging hatol ng korte.

“Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga. Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko,” entrada ni Vhong nang makapanayam namin siya sa presscon ng kanyang bagong comedy film na “Unli Life” with Teresita Winwyn Marquez na ipalalabas sa August 15 in all cinema's nationwide under Regal Entertainment Inc.

Dagdagpa ni Vhong hindi ganun kadali ang magpatawad nang mga taong minsang sumira ng kanyang pagkatao bilang isang kilalang actor.“Kasi, sabi ko nga ulit, ako naman, willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa niya. Kasi mahirap magpatawad kung ang tao ay hindi pa rin sila. . .may galit pa rin sila, hindi pa rin sila humihingi ng tawad,” sabi pa ni Vhong.

Sa ngayon, kahit pa tapos na ang kaso , dobleng pag iingat pa din daw ang ginagawa ng actor lalo na ang kanyang mga anak.

“Di ba, sinabi ko naman sa inyo, kung ano ang mangyayari, mangyayari. Kung baga, nakatakda. Kailangan mo lang gawin kung ano ‘yung ginagawa mo lahat.

“Kasi, kung mananatili ka sa takot, walang mangyayari sa atin.Pero dobleng pag iingat pa din siyempre ."pagtatapos ng aktor.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
  • w-facebook
  • Twitter Clean
THE OFFICIAL WEBSITE  

Join our mailing list

Never miss an update

follow US

follow US

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Pinterest Icon
  • White Instagram Icon
                                                                                                         © 2017 Starnews Entertainment . All Rights Reserved
 
  • Instagram Social Icon
  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Instagram Social Icon
bottom of page