top of page

KATRINA HALILI FIRST TIME NA MAKA TRABAHO SI MEGAN YOUNG

Pagkatapos ng ilang buwang pahinga muling magbabalik serye ang magandang aktres na si Katrina Halili sa kanyang pinakabagong programa na dapat abangan sa susunod na buwan  pambuenamanong proyekto ng aktres sa GMA7 kung saan isa si Kat sa mga bida sa nasabing serye kasama ang Miss World 2013 na si Miss Megan Young na  for the first time  makakasama niya  sa “The StepDaughters”sa GMA7.


“Happy po ako, kasi kahit Workshop, Storycon, Gma plugshoot palang kami nagsasama esp Megan Young, I can feel her energy, na super positive talaga, actually even sa production, we’re all excited na po to this project. Promising yun storyline, it’s about 2 women na Magkaaway, magkaribal, magkaagaw sa lahat ng aspect ng life,”kwento ni Katrina
Gagampanan ni Katrina ang papel bilang si Isabelle na kapatid ni Mayumi (Megan) na kapwa pinanganak at lumaking mahirap ngunit nakatadhana na lumaking magkasalungat at hindi magkasundo.Isang lihim na pag-aangkin ng yaman ng pamilya ni Isabelle kina Mayumi ang dahilan upang lumaki silang magkasalungat ang buhay. Higit pang titindi ang alitan nang pakasalan pa ng ama ni Isabelle ang ina ni Mayumi at naging stepsisters sila. Magkaagaw sa atensyon ng pamilya, magkalaban sa karangalan at kayamanan at higit sa lahat, magkaribal sa iisang lalaking bumihag sa kanilang mga puso. Sino sa dalawa ang magwawagi sa laro ng buhay at pag-ibig? 

 

"Abangan na lang po natin ang napaka gandang story sa buhay nina Mayumi at Isabelle. Isa po iyo sa ipinagmamalaki kong character very challenging role po para sa kin ito na mapapanood early 2018 ", dagdag pa niya.
 

Si Megan ang makakaranas ng hagupit at bagsik ni Katrina sa nasabing programa. Kaya abangan ang mga maiinit na tagpo sa bangayan at pagmamalupit ni Isabelle sa babaeng umagaw sa kanyang minamahal at kabuhayan.

"I enjoy working with Megan although ngayon lang kami nag katrabaho pero okej naman siya para sakin. Ako naman sa eksena lang ako mataray pero sweet ako in real life in explaine ko na yun kay Megan para naman di siya mailang din sakin so far were okej," pagtatapos ng aktres na ngayon ay busy sa taping ng kanyang bagong show sa GMA 7  kasama sina Megan Young, Mikael Daez , Angelu de Leon ,Garry Estrada , Glydel Mercado at marami pang iba. Huh!

  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Pinterest Social Icon
  • Instagram Social Icon
NEW MOVIE
Small Heading
by Rico Miranda posted on January 20, 2018
  • w-facebook
  • Twitter Clean
THE OFFICIAL WEBSITE  

Join our mailing list

Never miss an update

follow US

follow US

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Pinterest Icon
  • White Instagram Icon
                                                                                                         © 2017 Starnews Entertainment . All Rights Reserved
 
  • Instagram Social Icon
  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Instagram Social Icon
bottom of page