top of page

PINAGTABUYAN DAW NG MANAGER NI XANDER FORD ANG MANAGER NG GRUPO NG CLIQUE5 NA SI LEN CARILLO

  • by Rico Miranda
  • Jan 31, 2018
  • 2 min read

Nabasa namin ang column ng katotong Leo Bukas yesterday at habang binabasa namin ang pahina ng nasabing column maliwanag na mali ang ginawang pagtrato ng manager ni Xander Ford at ng grupong Upgrade sa manager ng CLIQUE5 na si Len Carillo na presidente din ng 3:16 Events & Talent Mangement. Hindi naman ata makatarungan na sa maliit lang na bagay o simple reason ay pakitaan mo ng kaganspangan at ipagtabuyan mo ang mga tao.. hindi maganda yun? Ang pagiging mal edukada at kawalan ng respeto sa kapwa ay walang lugar at magiging puwang sa mundong ating ginagalawan.

Base sa paliwang nang manager ng CLIQUE5 na si Len sa isyung ito , hindi naging maganda ang pinakitang maling asal sa kanila ng manager ni Xander Ford. Wala naman daw sanang problema kung sa simula pa ay sinabi na sa kanila na maliit lang ang studio na plano nilang rentahana at di kayang i occupied ang 7 members ng nasabing grupo. Hindi na raw sana nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan kung from the very start ay pinaliwanag nila kay Len (manager ng CLIQUE5) ang ganung sitwasyon.

"Kung sinabi nila sa kin o in explaine nila na maliit ang studio at hindi puwedeng rentahan di walang problema.Puwede namang maging honest, di ba? ’Yung totoo lang sana, hindi yung iba ang sasabihin. Kita mo naman kung gaano kalaki yung studio ko, pero dahil may contract yung nagre-rent do’n at kailangang mag-rehearse ng Clique5 para sa kanilang concert kaya humanap kami ng rerentahan for that day,” ito ang naging pahayag ni Len sa kanyang publicist na si Leo Bukas. Sa palitan ng mga maaanghang na salita sa pagitan ng manager ng CLIQUE5 na si Len at ang manger ni Xander Ford nagawa pa ng huli na laitin at ismolin ang kakayahan ng nasabing manager ng grupo at maging ang nalalapit na show ng CLIQUE5 sa darating na FEb 27 sa Music Museum ay nagawa ring tirahin ng manager ni Xander. “Siguro first and last n’yo na yan sa Music Museum. Kasi for sure, lalangawin yan. Kasi kami, di ko na mabilang kung nakailan na kaming produce ng successful shows shows sa Music Museum. Pakitanong na lang, ha.” ito daw umano ang naging pahayag ng manager ni Xander sa nalalapit na concert ng grupo ayon sa sa PR ng grupo na si Lykaboo.

Sana lang maayos ang gulong ito, the damage has been done pero nadadaan naman ito sa mabuting usapan. Sana lang huwag nating pairalin ang inggit at pag ka insecure sa kapwa, pakitandaan lang na mas mapalad ang inaapi kaysa nang aapi ng kapwa. YUn lang!


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
  • w-facebook
  • Twitter Clean
THE OFFICIAL WEBSITE  

Join our mailing list

Never miss an update

follow US

follow US

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Pinterest Icon
  • White Instagram Icon
                                                                                                         © 2017 Starnews Entertainment . All Rights Reserved
 
  • Instagram Social Icon
  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon
  • Google+ Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Instagram Social Icon
bottom of page