KATRINA HALILI BAKASYONG GRANDE KASAMA ANG PAMILYA SA SINGAPORE AT KUALA LUMPUR , MALAYSIA
- by Rico Miranda
- Nov 4, 2017
- 1 min read
SINAMANTALA na ng aktres na si Katrina Halili ang pagkakataon na naka bonding ang buo niyang pamilya . Last week lumipad ang aktres patungong Singapore kasama ang mga taong malalapit sa kanyang buhay. Kasama ni Katrina ang kanyang anak na si Katie at ang ina niyang si Mommy Malou at ang kanyang brother at mga pamangkin. Timing naman na sem break ng mga bata sa school at maluwag din ang sched ng aktres kaya nagkaroon siya ng time para ipasyal at i treat ang buong pamliya sa Singapore at Kuala Lumpur Malaysia.

Kung ilang araw din na puro saya at pamamasyal ang ginawa ng buong pamilya ni Katrina at bakas sa kanilang mga larawan ang puno ng saya lalo na ang kanyang nag iisang anak na si Katie na first time lang din nakapag trip sa nasabing lugar. Sa Singapore ang una nilang naging destination, kung ilang araw din silang nag stay sa nasabing lugar upang pasyalan ang mga nakaka akit na tourist spot at mga magagandang tanawin sa Singapore kagaya ng Botanic Garden at wildlife Singapore Zoo na sadyang ikinatuwa ng mga kasama niyang mga chikiting.

"Iba talaga ang feeling kapag kasama mo yo'ng family ..ang saya-saya ng moment namin super enjoy lahat kami lalo na mommy ko."kwento ng aktres
"Tutal mahaba yung sem break ng mga bata at the same time gusto din na bago mag start nang taping maka pag vacation with my family."dagdag pa ng aktres.
































Comments